Ang pangalawa na aming pinuntahan ay ang tinatawag nilang “Millinuim Tree” or “Balete Tree” ito ay isa sa mga dinadayo ng mga turista dahil sa taglay na ganda nito at laki..Ito ang pinakamalaking Balete sa buong Asia na dito lamang matatagpuan sa Pilipinas sa Sta Maria, Baler Aurora..Napakalaki ang mga ugat nito at ang mga dahon niya ay napakaganda..puwede kang pumasok sa kanyang ilalim pero siguraduhin u na alam ang lalabasan sa dami ng kanyang ugat.
Kung gusto mo
naman Makita ang lahat ng kabuuan ng Baler Aurora, umakyak ka sa tinatawag
nilang “Ermita Hills”.matatanaw mo ang baybayin ng Sabang. Sa taas ng Ermita
Hill ay makikita sa kaliwang bahagi ang baybayin ng Sabang at sa kaliwang
bahagi naman ay makikita ang Diguisit bay. Mainam na ehersisyo ang pag-akyat sa
Ermita Hill dahil mayroon itong 230 stairs ito ay lalakarin pa-akyat ng Ermita
Hill hanggang sa umabot sa puting Krus.
Ang sumunod na aming napuntahan ay ang ipinagmamalaki
ng Baler, Aurora ay ang kanilang dagat na kung saan dito matatagpuan ang
malalaking alon sa lugar ng Sabang Baler Aurora..Ngayon ko lang napatunayan na
ito ang pangalawang surfing area dito sa ating bansa dahil sa malalaking alon
at napakagandang mga tanawin..Kaya maraming pumupunta dito sa lugar na ito
upang sila ay mag surfing hindi lamang mga pinoy kundi mga nasa turista dahil
sa taglay na ganda ng dagat..
Pag ikaw ay napagod sa pamamasyal
puwede kang pumunta sa COSTA PACIFICA HOTEL upang ikaw ay magpahinga at matulog
dahil sa taglay na ganda…
Ito
ang kabuuan n gaming bakasyon na ditto napatunayan ko na it’s more fun in the
Philippines dahil andito ang mga magagandang tanawin na talagang maipagmamalaki
nating mga Pilipino.