Lunes, Mayo 19, 2014




Sa aming pagbabakasyon sa Bayan ng Baler, Aurora ay nakita ko ang itinatagong kagandahan na ito ay talagang maipagmamalaki ng ating bansa.Ang isang lugar dito ay ang tinatawag na Ditumabo Falls or tinatawag na “Mother Falls”.Bago makarating dito sa falls ay malalaking mga bato at matatarik na bangin ang iyong madadaanan at akma sa mga mahilig sa adventure pero pag ito’y iyong narating mawawala ang iyong pagod sa sobrang ganda at napakalamig na ilog na akala mo ay mayroong yelo.

 Ang pangalawa na aming pinuntahan ay ang tinatawag nilang “Millinuim Tree” or “Balete Tree” ito ay isa sa mga dinadayo ng mga turista dahil sa taglay na ganda nito at laki..Ito ang pinakamalaking Balete sa buong Asia na dito lamang matatagpuan sa Pilipinas sa Sta Maria, Baler Aurora..Napakalaki ang mga ugat nito at ang mga dahon niya ay napakaganda..puwede kang pumasok sa kanyang ilalim pero siguraduhin u na alam ang lalabasan sa dami ng kanyang ugat.
Kung gusto mo naman Makita ang lahat ng kabuuan ng Baler Aurora, umakyak ka sa tinatawag nilang “Ermita Hills”.matatanaw mo ang baybayin ng Sabang. Sa taas ng Ermita Hill ay makikita sa kaliwang bahagi ang baybayin ng Sabang at sa kaliwang bahagi naman ay makikita ang Diguisit bay. Mainam na ehersisyo ang pag-akyat sa Ermita Hill dahil mayroon itong 230 stairs ito ay lalakarin pa-akyat ng Ermita Hill hanggang sa umabot sa puting Krus.
Ang sumunod na aming napuntahan ay ang ipinagmamalaki ng Baler, Aurora ay ang kanilang dagat na kung saan dito matatagpuan ang malalaking alon sa lugar ng Sabang Baler Aurora..Ngayon ko lang napatunayan na ito ang pangalawang surfing area dito sa ating bansa dahil sa malalaking alon at napakagandang mga tanawin..Kaya maraming pumupunta dito sa lugar na ito upang sila ay mag surfing hindi lamang mga pinoy kundi mga nasa turista dahil sa taglay na ganda ng dagat..
Pag ikaw ay napagod sa pamamasyal puwede kang pumunta sa COSTA PACIFICA HOTEL upang ikaw ay magpahinga at matulog dahil sa taglay na ganda…
                Ito ang kabuuan n gaming bakasyon na ditto napatunayan ko na it’s more fun in the Philippines dahil andito ang mga magagandang tanawin na talagang maipagmamalaki nating mga Pilipino.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento